Tuwing Buwan ng Wika: Magpautograph ka sa idol mo

Pagkatapos ng eskwela ako'y nagmadaling nagpunta sa may Trinoma. Sumakay sa dyip at pagkapos naglakad ng matulin kahit nararamdaman ang konting hapdi ng sugat sa may paa ko ngunit baliwala ito sa katumbas na sayang makakamit ko sa pagkuha ng pirma ni Lourd de Veyra sa kanyang bagong libro "This is a Crazy Planets".

"Yehey" nireherse ko na sa isip ko yung reaction ko pagnakakuha ako ng pirma. Naalala kong ikwinento ko sa kaibigan ko na kapag hindi ako nahiya pati cover page ng thesis ko papapirma ko kay Lourd De Veyra. Eto ang mga nangyari...

Nakarating ako sa pila ng ng pambansang bilihan ng libro aka National Bookstore (bakit pala to Engles eh pambansa nga di ba?), nakakita ng sandamakmak na tao sa loob ng pabilihan. Di ako nagkakamali ng pinuntahan.
"Tamang pila po ba ito?"
"book signing po ni Lourd de Veyra"
"alright!"
Buti na lang at na-dismiss kami ng maaga sa klase, abot tenga ang saya ko.
  
 mga usisero halo-halong taong gustong magpapirma ng kanilang Libro

Mga pangyayari bago ako tuluyang makalapit para magpapirma
truedat!

Baliwala ang paghantay ng humigit dalawa't kalahating oras na nakatayo sa pila kung fan ka naman ng pagpapaautographan mo. Maliban na lang kung wala ka lang magawang mabuti sa oras mo at may diperensya ka sa paa mo eh, kahibangan yon. Sa loob ng dalawa't kalahating oras na yon ay ipinagpatuloy ko ang pagbabasa ng libro ni Lourd at hindi ako nabigo sa talas ng mga paksang kanyang napiling gawan ng mga sanaysay. SOLB!
At sa loob din ng dalawang oras na yon, ang pwesto ko ay ginawang daanan ng mga tao. Sa harap at sa likod ng pinagtatayuan ko sa pila puro "Excuse me" "Padaaan po" ang mga bati sakin tila nagplaplano ng estratihiya kung papaano magpapa autograph kay Lourd. Kulang na lang magsabit ako ng karatula "Di po ako daanan" o di kaya "Doon po ang dulo ng pila". Maiba naman ang tatlong nagtanong sa akin ng "What book signing is this for?" o "Who is the author of the book?".

Para hindi mainip, merong mga tao sa pila na sumisilip kung anung nangyayari sa loob ng National at tuwing nakikita si Jun Sabayton sa white screen ay binibinyagan ng palayaw na "Lalaking palaging nakahubad". Ang iba tulad ko, nagbabasa; Ang iba nag-pipicturan sa pila, kanya kanyang trip. Di ko na nga napansin na palibot na ng tindahan yung haba ng pila.
Masaya rin maghantay sa loob ng National. Dito karamihan ay hinahantay yung kasama nilang nakapila sa labas ng National na magpapirma. Kasi may screening ng mga episodes ng Word of The Lourd. Laugh trip lang para sa madlang kilala at kininikilala si Lourd. Meron ding isang die-hard-fan na galit na galit at wala daw siyang WOTL shirt. Ate, pwede ka naman bumili nun dito wag kang bitter, pinirmahan naman ni Lourd yung libro mo.

Matapos ang konti pang pagaantay, dumating din ang pagkakataon kong magpapirma.

Usapang Lourd at Marz
L: *binuksan ang libro* Wow ang cute naman *nakita yung pangalan at bati na may drawing sa post-it na nakadikit sa libro*
M: hehehe
L: Hello Marz
M: *ngisi lang*
L: *Pumipirma* Taga san ka?
M: *nagisip dahil "Cebu" island souvenir shirt ang suot ko." Taga-QC po *Natawa sa message sa baba ng libro*
L: *natapos mag-autograp*
M: Ay, Sir pwede po bang magrequest?
L: Sige ano yun?
M: Sir, pasulat po ng "Hi Cathy" diyan po sa post-it
L: Ah sige. *sinulat ang message na may kasamang drawing*
M: hehehe, *nagpapicture*
L: ganda frames mo ah
M: salamat po
*picture, kamayan at alis*
 Humirit ako ng ekstrang message ng walang autograph para sa thesis partner ko. Sa pagalis ko natuwa ako to the highest level, kumpleto na ang araw ko! Mayamaya nung nakalayo na ako naalala ko na di ko napapirma yung cover page ng thesis ko. Sa totoo lang pinagdebatihan ko yun habang nasa pila ako dahil madami pang taong nagaantay magpapirma ng mga libro nila. Baka mabato lang yun ni Lourd tulad ng babala niya sa mga magpapapirma ng Twilight.

Yan ang mga tamang gawain kapag buwan ng wika, magpapirma ka sa mga lokal na may-akda ng libro. Tulad na lang din nung isang nakapila, magpapapirma ng libro dahil kailangan sa klase (ang galing naman ng prof mo, sana di ka na minor para matanto ang lahat ng paksa). Eh kung ikaw ba naman eh may blog na ginawang libro, magpapa-autograph din ako sayo.

Hangang sa susunod na mga araw!

No comments: