Tama na lovelife Bayan muna

Nangunguna sa balita, Naalala niyo ba si Miguel Zubiri? Ang kauna-unahang politiko na bigyang pansin ko sa blog ko. Narito nanaman siya. Wag niyo na i-wikipedia maliban na lang kung masipag kang magcode ng wikipage. Salamat Twitter trending siya, doon na lang kayo magtanong-tanong.
Dating Senador, Miguel Zubiri
Bumitiw na sa pwesto si Senador bago pa mag-privilege speech sa kamara. Humahanga ako sa desisyon niyang panagutan ang epekto ng usap-usapang dayaan noong 2004 (guilty or not). Bakit, ano bang pake ko noon eh di naman ako bumoto? Sige, ako na ang nabilang sa underage (nga ba?) voting ng Sanguniang Kabataan (na naging-usapusapan rin) ang botohan na sinalihan ko.

Bakit ba kasi kailangan nun? Kung sino lang nanganidato sila-sila rin ang binoto ko (no choice, daw). Yun ang pagiisip ko nung una akong bumoto. May paki na lang ako isang araw nung botohan na. Making change ika-nga (gumawa ng sukli). Wag kayong matakot hindi pa ako magcoconvert para maging political blog. Iiwan ko na lang yan para kay Professional Heckler at Ate Cherry.

Ito na po siguro ang aking kauna-unahang buong Tagalog post sa kasaysayan ng "Marz Today". Aminado akong nakakahiyang nilimitahan ko ang aking sarili na magpahayag ng saloobin sa sariling wika. Kahiya lang, kahiya lang talaga. Ito ay aking gagawin sa buong buwan ng Agosto, buwan ng wika. Libre lang gumamit ng google translate at nang magkaintindihan tayo. kayo naman mag-effort na umintindi sa wika ko. Pitong taon na akong nagbloblog sa wikang Ingles, maiba naman.

At dahil maiiba naman, yayain ko kayong makilahok sa kontest na ito
Dear Ginoong Celdran, BAKYAAN NA! :D

Maligayang buwan ng wika. Pagpalain ang ating Bayan!

Sa susunod na mga araw, mga bata! (Parang Pong-Pagong lang no? )

No comments: