Perang sinemento sa lupa

Mala-immersion ang photo journalism class namin ng makilala ko si Lola Minda S., isang lolang taga Park 7 sa loob ng Barangay Loyola Heights, dyan-dyan lang sa may Katips. O di ba bonggang pakikisalamuha sa mga taong nakatira sa bongang community? Pero eto ang istorya- di na dapat bago sayo kung Taga-Maynila ka na merong maliliit na barangay sa loob ng mayamang nayon, tulad na lang nito.

Sa unang tingin ang nayon ng Loyola Heights ay makakakita ka ng malalaking bahay, mga mansion, at mga esblisementong pangkomerso. Ganyan sila sa Katips pero sa pinuntahan ko naramdaman ko ang tinatawag natin extreme differences. Ipagpalagay na natin kung sa drama mala- DaoMingSe at SanChai na magkapitbahay ang dating sakin. Nakita ko sa entrada ng kanilang munting nayon ang mga baryang ito na nakasemento sa lupa na nagsisimbulo ng pagtangap sa pagpasok ng kasaganahan. Bakas ang malasakit na natatangap nila sa komunidad na ito, sa pagdating namin ay may naabutan akong iilang kabataang naka-NSTP shirt na kikisalamuha sa mga tagaroon.

Sa unang tingin ang pagpunta namin dun ay parang nakakaagrabyado kami sa kahirapan nila. Na minsang naisip rin ni James Nachtwey, isang photojournalist, sa pagkuha ng mga litrato ng mga tao. Ang pagpunta namin sa Park 7 Day care center ay upang kuhanan ng litrato ang mga lola't lolo na nag-aart therapy na karamihan sa kanila ay umaatend para maaiba naman ang takbo ng araw, panglibang ba.

Naikwento ni Lola Minda sa amin na hindi sila pinapabayaan ng mga mayayamang kabarangay nila. Kahit mahirap ang buhay nakakaranas sila ng malasakit mula sa kanilang mga kasama sa communidad tulad na lang sa ng mga progromang pang-community-exposure mula sa mga dalawang malalapit na unibersidad sa nayong ito. Ang masnakakataba ng puso ay ang kwento ng tulong na natangap ng barangay na ito nung Ondoy. Nakakapanlubag loob na mayroon nabubuong sense of community sa mga tagadito.

Ang hinananain lang ni Aling Minda ay yung panahon na di na siya maalala ng mga kabataang tulad namin na nakikisalamuha para sa isang gawaing pang-eskwela. Sa mabuti naman, dinadalaw pa rin siya ng mga estudyanteng nakilala niya mula sa mga naunang proyektong pang-eskwela. Sa totoo lang nasasayangan din ako sa mabuting pagkakakilala namin ni Lola kung sa ganun na lang matapos. Nagpapasalamat ako kay Lola Minda na bukas sa pusong ipinasyal kami ng aking mga ka-grupo sa kanyang bahay. Ang mga napagusapan namin ni Lola Minda ay ikwekwento ko na lang sa iba pang-post.

Sana mabigyan ako ng pagkakataon makatulong sa pagiibsan sa hirap ng buhay sa tulong ng pagtatatag ng mga exposure sa ganitong barangay. Sa ngayon ang tanging magagawa ko para kay Aling Minda ay ang tulungan siyang magkaroon ng magandan disposisyon sa buhay dito sa Maynila. Dahil isa siya sa mga taong mabibilang ko sa kamay na dumanas ng hirap ngunit hindi binabase sa edad, antas ng buhay, at pinagmulan ang pagkakaroon ng pagasang mabuhay. (Zest for life ang ibig kong sabihin, pano ko ba i-didirect translate yan?!)

Tayong Pilipino tulad ng perang baryang nakasemento sa lupa, ay nakasemento na rin sa ating tungkulin sa buhay na maging kayamanang magbibigay pag-asa para sa matatanda ng Park 7 day care center, sa komunidad na ito at sa buong Pilipinas.

Hangang sa susunod na mga araw...

No comments: